Instagram (March 21 - April 22)

1. After graduation to, nung kumain kami sa Max’s. E napagtripan kong mag-picture ng “kunwaring” stolen, ayan ang resulta. Hahaha!

2. Actual graduation day. *thumbs-up*

3. Dahil ito na ang huling araw ko sa St. Paul, nagpapicture ako sa lahat ng makikita ko. Hay, ang dami ko palang kaibigan at sobrang thankful ako dun. Sobrang blessed ako. ♥

4. Ta-da! Ang mga babae sa grupo naming Nameless. Kami ang “Girlfriends”. ;)

5. Sobrang desperada kasi ako magka-picture suot yang blouse na may mga sulat ng mga kaibigan ko. Tapos trinay kong partneran ng ganyan. Lakas ng trip ko no? =))

6. Nung gumala kami nila Inah at Jhaz sa SM then after niyan, nag-walter kasama ang aking pamilya. Wow lalim. lol. #BakaDora? ☺

7. Isa sa mga guilty pleasureful ko! Diaries! Bata pa lang ako, nagsusulat na ko sa mga diaries ko. Makakalimutan kasi ako e, kaya ayan. Tsaka writer ang lola mo no! Taaraayy!

8. My outfit during Amira’s 7th birthday. Costume party daw e. ;)

9. Isang head-to-toe na picture ng aking outfit. :)

10. Hindi talaga sadya tong picture na to. Nagtritrip lang ako sa salamin tapos may naalala akong nagpost ng picture ng may ganitong post dati kaya ginaya ko. E sabi nila ipost ko daw e. Edi ayan. :”“>

11. Chura ko dito. Hahaha. Ganda… nung aso. LASLAS NA! </3 :)

12. Oh ha, kunwari stolen pero ako lang din nagpicture sa sarili ko niyan. Spell sariling sikap? :D

13. Since sobrannnggg bored ako, ayan, napagdiskitahan ko yung dress ng kapatid ko. Mygulay kasya sakin. Kahit pang-10 years old yan. -__-

14. Aww, favorite ko tong picture na to. Sa totoo lang, di ko alam na yayakapin nila ko. Kaya pala nagbibilang sila sa likod ko nun nung nagpapapicture ako. Natouch ako sobra, ♥ ♥

15. Last but not the least, ang pinaka-recent. Kahapon to nung nag-SM kami. At guess what, para akong timang na hinabol si Iron man para lang magpapicture. ;)
The End. *bow*
Happy 20!
Kung tatanungin ako kung sinong mga couple ang gusto ko, isa sa mga sasabihin ko ay ang couple na si Inah at Gio. Sino ba sila? Si Inah ay isa sa mga bestfriend ko at si Gio ang first love ko. Kung iniisip niyo, nagpapaka-plastic ako dahil hello, yung first love mo at kaibigan mo ang nagkatuluyan at hindi kayo, mali kayo. Kasi sa totoo lang, sinusuportahan ko ang love team na to. ♡
Siguro nga nasaktan ako noon dahil may gusto nga ko kay Gio tapos alam naman yun ni Inah pero bakit nagkadevelopan diba? Pero naisip ko na, ang babaw ko naman kung magagalit ako at tututulan sila. In the first place, ano bang dapat ikagalit ko? Diba nagmahal lang naman sila? Hindi naman masama yun e. Ginusto ba nilang masaktan ako, hindi diba? Talagang yun ang tinibok ng puso nila e, yung mahalin ang isa’t-isa. At kahit kailan di yun magiging mali. Kaya ayun, tinanggap ko na lang. Yun naman ang kailangan para maka-move on e. Tanggapin ang lahat-lahat, na wala na talaga at hanggang dun lang Kahit masakit, pero nung una LANG naman. Mas okay na yun kesa mawalan ako ng Gio na kaibigan, at Inah na bestfriend. =))
Dahil din sa kanila kaya ang dami kong natutunan. Natutunan kong MAS magtiwala kay lord. Kaya pala kako tuwing humihingi ako ng sign kay lord kung itetext ko ba si Gio o hindi eh laging yung “Wag” ang lumalabas. Kaya pala kahit anong gawin ko, walang improvement samin ni Gio. Kaya pala di nagwork-out yung kay Inah at Nogard ay dahil hindi siya para kay Nogard at di ako para kay Gio. Dahil si Gio ay para kay Inah. (Emeged, naputol ang post mula dito. Continuation..) Sabi nga ni Idol Nogard, dumaan lang si Gio para iparanas sakin kung pano magmahal. Kumbaga patikim lang. Para daw alam ko na ang dapat kong gawin sa susunod. Talagang malakas lang siguro trip ni Fate at Destiny e. Gusto may thrill, gusto mas madrama. Hahaha. Speaking of madrama, bayan, ang drama-drama ko na. Sige na nga, eto na, seryoso na..
Hoy Inah at Gio, alam kong marami na kayong naging away, for the fact na isang buwan pa lang kayo ha. Pero alam ko namang kayo talaga, at magtatagal kayo ng bongga. Aba, sayang din iniyak ko sa inyo ha. Jookkeee. =)) Alam niyo, kilala ko kayong dalawa. Alam ko Inah si Gio ang kailangan mo, yung taong uunawa sa kadramahan mo, sasakyan ang kabaliwan mo at iintindihin ang katopakan mo. Ikaw naman Gio, kilala kita. Alam kong sobrang mamahalin mo yang tropapeeps ko. Iingatan mo yan at di mo hahayaang mawala sayo. Isa lang naman hiling ko sa inyong dalawa, wag kayong magbre-break dahil lang sa may selos o away ha. ;)) Yun lang. Madami pa kayong pagdadaanang monthsaries kaya goodluck sa pagiisip ng pakulo! Hahaha. I love you both to bits. Muah. :*
Sweet Day. :”“>
Grabe, ang daming nangyari ngayon! HAHA, ang saya-saya ko talaga. Promise. Peksman. Para akong nakahithit kanina ng shabu. lol. Nagsimula kasi yan nung umaga, magkikita-kita kasi kami nila Sam at Eunice sa Mcdo Sta. maria tapos ako ang pinaka-unang nakarating. Pagdating ko sa Mcdo, sabi ni Ate pumila daw ako. Tataka naman ako. Akala ko yun yung magiipon sila ng tao tapos hanggang maka-isang libo silang nakapila pero mapilit si ate eh, edi go ako. Natataranta nga ako na ewan e buti na lang nakita ko si Eunice tapos hinatak ko. Well, pareho lang naman kaming shock sa nangyayari. Tapos yun pala kasi may libre lang na Egg Muffin! PUTIK! Kala ko kung ano. HAHAHA. Edi kumain na kami, tapos maya-maya dumating na din si Sam kaya tinake-out namin yung mga pagkain sabi namin ni Eunice pamimigay namin sa room, kunwari bigtime kami tapos nanlibre kami. ;)
Edi pinuntahan na namin si Inah sa Mcdo Bocaue at sa biyahe, kung ano ano ang topic namin. Kami ni Sam yung story sa wattpad na “Black Butterfly” tapos kami ni Eunice yung exam niya sa La Salle na sobrang dami daw gwapo. Pagdating sa Mcdo, nag-cr kagad ako. Tapos nung lalabas na ko, mygad! NA-TRAP AKO SA LOOB! Na-lock ako dun! Gravity, nasira yata yung lock. Di ko talaga mabuksan. Buti na lang dala ko yung phone ko nun at natext ko sila Sam. Phew, kung di ka nga naman minamalas. Kaso ang tagal ni Inah kaya nagpunta na kaming school.
Sa school, mga ilang minuto lang dumating na yung mga magulang ng Nameless girls, may pangalan na nga pala kami, ang “GIRLFRIENDS”. Tapos magkakatabi yung mga magulang nila, wala pa kasi yung mommy ko tapos wala na ding pwesto kaya ang hindi lang magkakatabi ay yung mommy ko at mommy ni Eunice. Pero wala kayo, AMIGA na sila. Nagtatawanan pa. HAHAHA. Well, plano namin yun. Para pag gumala kami, papayag na sila kasi friends naman silang mga magulang. O diba, nice plan. ;)
Nag-start na yung recollection churva, e nakahiwalay kaming Girlfriends sa mga magulang namin kasi magseserve kami sa mass edi yun. Nagtalke na si father kaso sobrang inaantok talaga ako, naka-dalawang tulog nga ko e. At para di ako ma-bore, nagbasa ako ng wattpad. Napapadalas na nga pag basa ko e. Awtsuuu. Dahil tuloy dun 2 na ko nakakatulog. At buti na lang may gwapong batang pinakilala sakin si Nicole! Si Daniel Hyunoo Lachepelle!! MYGULAY! Crush ko na to ng sobra sobra talaga. :”“”“”“”“”> Tapos bigayan na ng certificate namin at yung clay na ginawa. Eto namang nanay ko, gusto daw niya sweet, kaya may pakiss-kiss pa. Haha.

Tapos nag-mass na, tapos nakita ko yung kapatid ni Gian na si Drew kaya yun sabi ko palapitin samin. At mygad, nagka-crush at first sight ako sa 6-years old na batang to!!! MYGULAY! Di ko na nga matiis sabi ko pakurot sa pisngi, okay lang sa kanya. Tapos sabi ko pa-hug, okay lang din!!!! GRAVITY! First time to! Kinikilig talaga ako sa kanya, sweet kasi niya. Sobra. Nung una, hinihiram niya phone ko tapos kinuha ko na kasi magsstart na yung mass tapos inaagaw niya, yung pa joke. Tapos nangangalabit. Tapos nangungulit ng sobra. Edi usap usap kami, tapos bigla siyang nagtampo kasi napagalitan siya ng lola niya, ang ingay kasi. Umalis ba naman sa tabi ko at lumipay dun sa tabi ng lola niya. Ha, kala niya, LQ kami. Pero di ako matiis e, ayun lumapit din sa tabi ko. Di ko parin pinapansin tapos nangulit na ulit. Tinanong ko siya kung galit siya, sabi niya di daw tapos may smile pa. Tapos hawak-kamay na, yung ama namin. Edi naka-taas lang yung kamay ko, hinihintay kong kunin niya. Aba, kinikilig yata!! Hahaha, tinitingnan lang kasi yung kamay ko tapos magtatakip ng bibig tapos nakangiti na tumatawa, yung parang kinikilig. Tawa kami ng tawa ni Jhaz, Nilalapit ko yung kamay ko pero ayaw kunin tapos kikiligin na naman. Nung patapos na binaba ko na yung kamay ko pero humabol siya, hinawakan yung kamay ko. Hahaha, kinilig ako. :”“> Maya-maya ng peace be with you na edi nay-peace kaming girlfriends at nilapitan namin yung mga magulang namin para i-kiss. To namang si Jhaz, bet na bet yung kapatid ko na si Ella, nilapitan pa tapos nag-“peace”. Edi bumalik na kami sa pwesto, sabi ni Jhaz sakin sabihin ko daw kay drew na i-kiss ako edi ginawa ko nga pero iba binulong ko. Sabi ko “Kiss mo daw siya” sabay turo kay Jhazmine pero umiling siya tapos parang kinikilig na naman kaya di ko naintindihan yung sinabi niya. Pinaulit ko tapos sabi niya “Ehh, sayo na lang.” TUWA NAMAN AKO, SYEMPRE. Crush ko yun e. Edi bumaba ako tapos kiniss niya ko, at grabe kinikilig talaga ako. Swear. First time yun kaso naghiwalay kami ni Drew na LQ e, nag-LQ ulti kami kasi nagtampo siya kasi di ko na pinahiram yung phone ko, communiohn kasi tapos katabi niya lang si sister dun. Ayun, dala-dala yung upuan, pumunta sa lola niya. Akala nga namin ni Jhaz makikipagbati kasi tinitingnan ako pero wala, umuwi na kami after mass e. Grabe no, sa isang oras na yun, na-crush at first sight ako, tapos naging kami (sabi nila Jhaz para daw kami) tapos nag-LQ, nagbati, nagkiss, tapos LQ ulit. Hahaha. Ganito na ba ang kabataan? Ang bilis ng landian? lol. =))
At yan, ang saya talaga ng araw ko. Ngayon nakauwi na ko galing sa Mcdo at maya-maya magsusulat na ko. Nasabi ko na ba sa inyo na magsusulat ako sa wattpad? Susuportahan niyo ko diba? Yiee, kilig me. lol. I’M SO MALANDI. Hihihi. :”“>
PS. Minsan ko lang gamitin yung “hihihi” na yun, nalalandian kasi ako e. HAHAHA, Basta yun, landi ko today. Well, sabi nga ni Papa Jack “Kung naghihintay ka ng lalandi sayo, wala kang mapapapala. Dapat lumandi ka din.” Ciao!
PPS. Dapat kahapon pa to eh, kaso ang bagal ng net. March 18, 2013 to ha! :)
ANG SAKIT. </3
Ewan ko ba pero lagi na lang namimisinterpret ng iba yung mga ginagawa ko. Ginagawa ko naman lahat para mapahiwatig yung gusto ko talagang ipaalam pero bakit ganun? Kaibigan ko pa man din sila. Kasi ganito yun, yung friend ko may boyfriend siya tapos nagkakatext kami ng boyfriend niya. Tinext ko nung minsan kasi may kailangan akong favor sa kanya para kay girl. After nun, napapadalas na ang pagtetext ni guy. Tapos nung isang araw, biglang nagcool-off sila. At sakin lumalapit si guy para magpatulong at humingi ng advice. Eh kahit papaano naman kaibigan ko yun kaya tinutulungan ko. Pero nagulat na lang ako sa mga sinabi sakin ni Guy. At grabe, nasaktan ako. Sa likod ko, yun yung sinasabi ni Girl. MASAKIT KAYA! Kaibigan ko kasi siya. Alam niyang di ako ganong tao. Dalawang taon na rin yung friendship namin tapos ganito.
Di ako nanunulot at kahit kailan wala akong balak manira ng relasyon ng iba pero iba na kasi si GUY lately, ililibre daw niya ko sa starbucks (pero pag daw natulungan ko siya na magkaayos sila ni Girl pero hindi ko siya natulungan, pero ililibre pa din daw niya ko) pero tumangi ako, inaya niya kong manood ng game niya sa basketball (para daw may kasama si girl manood), gusto pa niya kong makatext hanggang gabi at hindi lang ako makapagreply kagad, mangtatadtad na, tapos eto pa, nung minsan, naka-tatlong good morning siya.

Tada!!! Proud of my work. :)) Instamagic baby, lol. Hahaha. Did this using myother account, @notsherinderella. EEEHHH. PROUD NA PROUD TALAGA KO. #collage #magic
March 11, 2013
Ilang araw na lang, gra-graduate na ko. Gara nga lang kailangan kong di pumasok ngayong araw kasi bibili kami ng sapatos para sa graduation. Kailangan na kasi naming suotin yun sa school e para mapractice na. So yun na ngam pumunta na kaming UP para kunin yung UPG ko at guess what? 2.482 yung grade ko!!! PASOK AKO SA UP MANILA! Pwede akong magpa-appeal dun! Ang saya-saya ko talaga. Sa wakas, araw-araw na pagrampa ng damit. Joke. :)

Pagkatapos nun, kumain kami sa SM at nag-take out ng Krispy Kreme doughnuts. YUMMMM BABY, YUM! ♥

Sa wakas, nakauwi na din. Excited na din kasi akong makuha yung package ko. Nanalo kasi ako dati sa isang international giveaway at kaninang umaga, habang nasa biyahe kami ni mommy, tumawag yung tita ko at sinabing dumating na daw yung package! YEY! Signed book pa naman yun ni Liesel K. Hill. Kaya nakakaexcite e. Nanalo na ko dati ng mga libro sa mga internation giveaway pero first time kong manalo ng signed copy. Nakakatuwa! May message pa yung author sa kin. Sige na, ako na mababaw. Hahaha.



At eto na ko ngayon, pablog-blog na lang at pa-royal royal revolt na lang. Kakatapos ko lang kasi itype yung ipopost ko na makikita niyo sa mga magdadaang araw. Isa itong malaking rebelasyon sa buhay ko. HAHA, Ansabe? Pero totoo, malapit ko nang ipaalam sa buong mundo ang kwento ng buong lovelife ko. :)
Good Morning! Good Vibes baby. ♥
Pano kasi natutuwa ko sa binabasa ko sa wattpad na “Avah Maldita”. Hahaha, kaya feel na feel ko minsang magtaray e, pero yung pajoke lang. Wala, nakakatuwa kasi ang linya ng mga maldita e. :) Tapos ewan, ang ganda lang ng gising ko tapos ang saya-saya ko lang. Kanina pa nga ko sayaw ng sayaw at kanta ng kanta e. Sana tuloy tuloy na to no? Thank you lord. :*
PROM 2013!
So last March 1, cinelebrate ko na ang huli kong prom! At sobrang naeexcite ako. Tinitingnan ko pa lang yung gown ko, naeexcite na ko. Kasi yun talaga yung dream prom dress ko, at sobrang pinilit ko talaga na magkaroon nun. Akala ko nga panget ang kakalabasan kasi sa iba, magara pero hindi! Hanggang ngayon, sa tuwing nakikita ko. Gandang-ganda ako. Yan yung pinag-gayahan ko.

Eto ang kinalabasan..

Kami ang mga jejemong gangster sa St. Paul College of Bocaue. Kami ang mga sigang babae na nagre-reyna sa school namin. Mahilig kaming makipag-away at makipag-baharan. Oh ano, papalag ka? SUNTUKAN NA LANG OH! Hahahaha.
Three days, Three gifts.
Ang tagal ko nang hindi nakakapag-post, ang hirap kasing maging fourth-year student eh. Sobrang busy at ang daming ginagawa. Pero babes, may kwento ko. ;)
Valentines day, nakita niyo naman siguro yung post ko sa insta na may nagbigay sakin ng 3 roses diba? Isang malaking red rose, isang medyo-malaking pink rose at isang paper rose na may message sa kada isang rose. Sa medyo malaking pink rose, nakalagay “Roses are Red.” Sa malaking red rose, nakalagay “Violets are Blue.” At sa huling paper rose, nakalagay “Grabe shunga naman nila blue daw yung violet? Happy ♥’s day! Ang pagmamahal ko sayo ay parang ang rosas na to, hindi namamatay, nalalanta o nawawala pwera na lang kung itapon mo diba?!” Haha. Natouch ako dun. Nagulat pa nga ko ng isa-isang lumapit sila Inah, Ysay at Karen sakin eh. Inabot sakin yung roses. Shock talaga ko. Hindi ko naman ineexpect ang ganung mga banat. :)

Pagkatapos ng isang linggo, may dumating na namang gift sakin. Pinabigay sa isa kong kaibigan. Akala ko nga pabango kasi nakalagay sa lalagyanan ng pabango tapos ang cute ng kulay, pagbukas ko ang daming chocolates, ang daming flattops at cloudy ba yun? Sayang nga di ko na napicturan yung laman, na-rak nang mga kaklase ko eh. Hahaha. Tapos nung Feb. 28, habang nasa Derm Care kami kasi sinasamahan namin ni Sam si Eunice, kumain kami ng chocolates tapos may biglang tinuro si Sam, may letter pala sa ilalim! Akala ko yung maliit na message lang na makikita mo pagkabukas pero meron pa pala sa ilalim! Habang binabasa ko nga kay Sam yung laman ng letter, natatawa ko. Pati tuloy yung ibang nasa Derm Care natatawa, pano ba naman yung laman ng letter! HAHAHAHA. Mga chismoso at chismosa! Chos. :)


Last Gift, binigay niya sakin kagabi, nung prom namin. Actually, pinaabot lang pala niya sa Idol ko na si Nogard. Yung last, isang letter galing sa isang tao na isa sa mga di ko makakalimutang tao sa highschool ko. Oo, galing kay lester. Naappreciate ko naman. Syempre, nashock pa din ako. Di ko kasi ineexpect na ganun e. Pero hindi si lester ang nagbigay ng lahat ng yan, kumbaga yung nagbigay sakin, nagpagawa siya ng letter kay lester. =))

Basta ako, gusto ko lang mag-thank you. Thank you sa effort ha. Alam kong nakikita mo to. THANK YOU TALAGA. Na-appreciate ko yun, friend. :* I love you. Sobrang swerte ko sayo. Eto po talaga ang kaibigan. :)))